PAGHAHANDA PARA SA 2025 NATIONAL PRISAA SA CAGAYAN, PATULOY NA ISINUSULONG

PAGHAHANDA PARA SA 2025 NATIONAL PRISAA SA CAGAYAN, PATULOY NA ISINUSULONG

TINGNAN| Pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor ang isinagawang pagpupulong ngayong Biyernes, Enero 24, 2025 upang pag-usapan ang kahandaan sa pagdaraos ng 2025 National Private Schools Association (PRISAA) sa lalawigan. Bahagi nito ay binusisi rin ni Atty. Mamba-Villaflor ang kasalukuyang estado sa pagsasaayos ng mga sports facility ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kasama ang iba pang kagamitan na gagamitin sa naturang palaro. Binigayang-diin pa nito ang kahalagahan ng maayos na pagdaraos ng palaro alinsunod sa pagnanais ni Gov. Manuel Mamba na maipakita ang disiplina, husay, at galing ng mga Cagayano na pangunahan ang 2025 National PRISAA katuwang ang mga opisyal nito sa pangunguna ni PRISAA National President, Dr. Esther Susan Perez-Mari. Kasama rin sa pagpupulong sina Cagayan Provincial Tourism Officer, Jeniffer Junio- Baquiran, Provincial Health Officer, Dr. Rebecca Battung, Provincial Engineering Officer, Engr. Kingston Dela Cruz, at iba pang kinatawan mula sa iba pang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

No alternative text provided

Comments on "PAGHAHANDA PARA SA 2025 NATIONAL PRISAA SA CAGAYAN, PATULOY NA ISINUSULONG"

0 comments

Join the Discussion

Share your thoughts and engage with our community. All comments are reviewed to ensure quality discussion.

This is how your name will appear with your comment
Your email will never be published or shared
Share your thoughts respectfully and constructively
0/1000

Privacy: Your email address will never be published or shared with third parties.

Moderation: Comments are reviewed to maintain a respectful community environment.

Loading...